GMA 7 issues statement on ABS-CBN case versus AGB Nielsen

It's only fair to share...Share on FacebookTweet about this on Twitter

GMA-7 issued a statement a few hours after ABS-CBN publicly announced filing a P63-million civil case against media research group AGB Nielsen Media Research Philippines.

Nababahala ang GMA Network sa ulat na ang ratings ng mga programa sa telebisyon na gawa ng AGB Nielsen ay maaring manipulahin. Ang totoong ratings ng mga programa sa TV ay napakahalaga hindi lamang para sa mga himpilan ng telebisyon kungdi maging sa mga advertiser, mga advertising agency, at sa mga manonood.

Sa loob ng higit apat na taon at hanggang ngayon, patuloy na nagrereklamo ang GMA Network sa AGB Nielsen tungkol sa hindi maipaliwanag sa pagkakaiba ng mga ratings ng mga programa ng GMA sa cable at non-cable, na hindi naman nangyayari sa mga programa ng ABS-CBN.

Lubos na ninanais ng GMA-7 na malaman ang katotohanan sa isyung ito, kung mayroon mang basehan ang mga nasabing ulat.

Posted in Television

Search