Emilio Jacinto – Utak ng Katipunan

Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na nagtulak sa kanyang ina na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay.


emilio-jacinto.gif

Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas. Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan.

Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad na 23.