Marky Cielo found dead

Young actor Marky Cielo reportedly died at dawn today.

Marky Cielo

He was 20 years old. According to an initial report, the StarStruck Batch 3 Ultimate Sole Survivor died in his sleep. More details later.

Update

GMA 7’s Official Statement

“Bandang alas-diyes kaninang umaga [December 7] sa Antipolo Doctors Hospital ay idinireklarang DOA [dead on arrival] ang young actor at StarStruck Nationwide Invasion Sole Survivor na si Marky Cielo.

“Ayon sa paunang salaysay ng kaniyang ina na si Mildred Cielo, natagpuan niyang nakahandusay ang kanyang panganay na anak sa kanilang tahanan sa Antipolo, Rizal, at agad itong sinugod sa ospital. Sa ngayon ay hinihintay nila ang resulta ng imbestigasyon ng sanhi ng pagpanaw ni Marky Cielo bago magbigay ng opisyal na pahayag ang kaniyang pamilya.

“Tubong Mt. Province at may lahing Igorot si Marky Cielo, ang itinanghal sa Sole Survivor sa Season 3 ng StarStruck. Hinahangaan siya sa kanyang maamong mukha, pati na rin sa kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw.

“Huli siyang napanood sa Startalk, SOP, at La Lola. Siya rin ang tumatayong Youth Spokesperson ng Department of Health.

“Si Marky Cielo ay 20 years old. Bukod sa mga panalangin, humihiling ang pamilya Cielo ng privacy sa matinding dagok na ito sa kanilang buhay.”