The Search is on for Philippine Idol

From ABC 5 News

Simula sa Biyernes May 12 hanggang unang linggo ng Hunyo gaganapin na sa SM malls sa buong Pilipinas ang Stage 1 ng pre-screening event. Fast tracked ang tawag dito, dahil pag nagpunta ka sa mga pre-screening event na ito at pasok ka hindi mo na kailangang pumila sa main auditions na gagawin sa PICC sa June 3. Sa tulong ng Manila Broadcasting Company, kukuha ng masusuwerteng Philippine Idol wannabee at kapag napabilib mo ang mga judges ng MBC, mabibigyan ka ng silver pass para sa main auditon. Heto lang ang mga dapat tandaan: Pasok ka kung 16 hanggang 28 years old ka pagpatak ng July 1, 2006, kailangan Filipino Citizen o di kaya ay may dual citizenship, dapat meron ka nang Philippine Idol application form na makukuha sa www.philippineidol.com, at ang pinakamahalaga sa lahat praktisado ka na ng dalawang paborito mong kanta, isang mabagal at isang mabilis. Dalhin din ang mga sumusunod sa auditon day: isang close-up at isang full body picture, original at certified true copies ng birth certificate at valid ID. Sagot ng MBC ang pasahe at hotel ng mga makakapasok sa fast tracked na hindi taga Metro Manila. Ang hihiranging first Philippine Idol ay mananalo ng higit sa 2 million pesos in cash and prizes at isang international talent management contract.

So if you think that you have what it takes to become a Philippine Idol, here’s your chance.