Unofficially Yours movie Lines and Quotes

Star Cinema’s romantic comedy movie Unofficially Yours starring John Lloyd Cruz and Angel Locsin opened in theaters last February 15.

Here are some movie lines and quotes from the film courtesy of the coffee chic:

“Bakit dyaryo? Bakit hindi nalang tv? Radyo? O Blog?”
“Dahil ang tao ay naghahanap ng mahahawakan, hahaplusin at aamuyin.”

“Bakit ka magso-sorry? Ah gusto mo ng round 2?”

“Akala ko ba gusto mo ng bagong buhay?”
“Oo, pero hindi naman ganun kabago.”

“Unforgettable kasi wala ka ng hahanapin pang iba. Lahat ng kailangan mo, andun na. Kaya kung idi-describe mo in one word – Perfect.”

“Love? Lilimitahan ka lang niyan. Ang dami-daming magagawa kung hindi ka lilimitahan sa love na ‘yan. Higit sa lahat, paiiyakin ka lang niyan.”
“Napaiyak ka na?”
“Sino ang hindi pa?”

“What if siya lang makakapag-pasaya sa’yo?”
“Kaya kong pasayahin ang sarili ko.”

“Tama na.”
“Alin?”
“Stop being so nice. Lalo mo akong pinahihirapan eh.”
“Ganito lang naman ako dahil mahal kita. I’m sorry Cess [Angel Locsin]. Alam kong wala sa usapan yun pero ito na yun eh. Mahal na mahal kita… Hindi ko na rin kaya magkunwari na naiintindihan ko pa kung ano ang meron sa atin. Hindi ko na gusto. Mamahalin kita ng buo. Aalagan kita Cess [Angel Locsin]. Payagan mo lang ako. Pwede pa bang maging tayo?”
“Gustuhin ko man, hindi ko kaya.”
“Bakit? Huwag na nating gawing kumplikado. Isa lang naman ang tanong dito eh. Mahal mo rin ba ako?”

“Grabe. Wasak. Halos wala ng matira sa akin nu’n. Kahit respeto sa sarili ko, tinangay niya na rin ‘yun eh. Ang tagal kong bumangon, gumapang… Pinipilit na tumayo. Nabuhay kung ano man yung natitira sa akin. Kaya sinabi ko na hindi na mauulit yun. Pero eto na naman, may isang tao na naman sa harap ko na hinihiling na mahalin ko. Gustong-gusto kitaing mahalin Macky [John Lloyd Cruz] pero natatakot ako. Natatakot ako na baka muli akong masaktan. Wala ng matitira sa akin. Kung nakilala lang sana kita noon, ‘nung kaya pa nito (puso). Kaya lang hindi na eh.”

“Ako ang kaya ko lang gawin ay ang mahalin ka, ang maghintay sa’yo at umasang isang araw kakayanin mo ng magmahal ulit. Pero ‘wag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kasi naiintindihan kita.”

“Aminin mo na Cess [Angel Locsin].”
“Bakit ganun? Bakit parang hindi ka nag-sasawang masaktan?”
“Hindi naman. Hindi lang ako napapagod magmahal.”
“Hindi ka napapagod?”
“Eh paminsan-minsan. Napapagod din, syempre.”
“Oh bakit ayaw mong tumigil?”
“Bakit ako titigil? Pwede naman akong huminto sandali.”
“Kahit ilang besas ka ng umasa? Masaktan?”
“Oo.”

“There is one final lesson: Higit ka pa sa isang daang libong bagay na pwede kong tanggihan sa buhay ko.”