Update on Raymart Santiago, Claudine Barretto vs Mon Tulfo airport fight

Both the camps of Raymart Santiago/Claudine Barretto and Mon Tulfo have released statements or their versions of what really happened regarding their fight at the NAIA Terminal 3 Sunday afternoon (May 7).

Here is Raymart’s version in an interview with GMA-7’s Showbiz Central:

“From Boracay, bumaba na kami dito [NAIA 3]. Pagbaba namin, wala ang bagahe namin.

“So sinabi namin [sa ground attendant], bakit hindi n’yo naman sinabi sa aming mga pasahero na wala kaming mga bagahe bago kami umalis? Who gave you the right na parang kayo ang nagdesisyon na huwag ikarga ang mga bagahe namin, e, may mga importanteng gamit doon sa bagahe namin.

“Hanggang sa ito, siya [Mon], nag-video-video.

“Sabi nung friend ko, ‘Raymart, may nagbi-video yata?’

“So nilapitan ko, sabi ko, ‘Sir, ano po yung ginagawa n’yo? Biglang sinuntok ako. Ginanoon [itinulak, ang muwestra ni Raymart] ako ‘tapos sumipa. E, lalaban din ako, di ba?”

Ayon naman kay Claudine, “‘Tapos lumapit na yung dalawang friends namin para… kasi pa-hold na si Raymart, ‘tapos bigla na lang siyang [Mon] nag-amok!

“Sinuntok na lang niya si JV, sinuntok si Doby, e, di siyempre lumaban sila.”

Here is Ramon “Mon” Tulfo’s version:

“Kagagaling ko lang sa Davao nang lumapag ako sa NAIA 3. Sa labas na ako, sa arrival area, doon sa may complaint desk, may pinagagalitan na isang ground stewardess.

“Nag-usisa ako dahil ako’y isang reporter. Dinuduro-duro niya [Claudine], sinusurot-surot niya yung isang babae na napapaiyak.

“Kumuha na ako ng litrato.

“‘Tapos, gusto ko sanang sabihin sa kanya, lapitan siya na huwag n’yo namang gawin ‘yan dahil ‘yan ay maliit na tao lang naman, e.

“‘Tapos, kinukuha nila yung aking cellphone. Hindi ko ibinibigay.

“Doon nag-umpisa. Itinulak ko siya [Raymart]. Sabi ko, ‘Huwag mong kunin ito [his cellphone]. Sinuntok niya ako, hindi siya tumama.”