Willie Revillame on copyright case filed by ABS-CBN

Willie Revillame aired his side on the 127-million-peso copyright infringement case filed against him by ABS-CBN.

“Ang ABS-CBN, idinemanda na naman ako, nag-file po sila sa Makati naman, pagkatapos ng Quezon City.” he started on the November 26 episode of Willing Willie. “Ang sabi nila ngayon, ginagaya raw namin ang Wowowee. Sino po ba ang Wowowee? Sino po ba ang nag-iisip sa Wowowee? Simple lang, pati po ang pagbati ko sa inyo, bawal. Pati ang shot ng camera, bawal. Ginagaya raw namin. Bakit ba kayo galit na galit sa akin? Wala akong ginawang masama sa inyo, ABS. Ako ang inihaharap ninyo kapag may problema kayo. Marami po akong pinag-aaral at tinutulungan na tao. Huwag naman ganyan. Nagsilbi naman ako sa inyo. Nirerespeto ko naman kayo. Hindi ako papayag na mahinto. Kapag nahinto [Willing Willie], magso-show kami diyan sa labas. Diyan tayo magsama-sama, kahit walang telebisyon!” he added.